Dakilang Ama, maraming salamat at Ikaw ay nag-alsa at kinalat Mo ang aming mga kaaway.
Ang mga namumuhi sa mga anak Mo ay tinangay ng hangin katulad ng ulap. Sa harap Mo ang masama ay papanaw. Ngunit, kaming mga matuwid na anak Mo ay magagalak at matutuwa.
Pinupuri namin ang Iyong Pangalan sapagkat Ikaw ang sanggalang ng mga ulila at balo. Mga bilanggo ay hinango Nyo upang malugod. Ang mahirap naming buhay ay Iyong pinuspos ng biyaya. Ang aming lupain ay lubusang sasagana.
Ibalik Nyo sa kaaway lahat ng kanilang plano. Ipahiya silang lahat sa pag-alipusta sa Inyong Pangalan. Lahat sila ay luluhod sa Inyong harapan at aamining Ikaw lamang ang Diyos na buhay. Sa Inyong tinig lahat ay manginginig, at lahat ng masama ay hindi makakatindig.
Ikaw, Yahweh, ang babasag sa mga ulo ng kaaway kapag sila ay nagpilit sa kanilang gawang buktot.
Salamat Panginoon dahil Ikaw lamang ang nag-iisang Hari ng mga hari. Salamat Panginoon dahil Ikaw lamang ang tagapagligtas ng Inyong mga anak. Hahanguin Nyo ang sambahayan ni Jacob at tagumpay lamang ang kakamitin ng Israel. Ginawa Nyo ng lahat ito para sa ikararangal ng Inyong Pangalan.
No comments:
Post a Comment